A Very Special Love

A very special love, John Lloyd Cruz, Sarah GeronimoNasimulan ko ng panoorin ang A Very Special Love mga ilang araw na ang nakalipas ngunit di ko natapos sa kadahilanang nakatulog ako sa panonood. Well, galing kasi sa graveyard shift kaya iyon ang nangyari.

At kahapon nga, sinikap ko talagang labanan ang antok para lang matapos ang pelikulang ito. Intrigang-intriga kasi ako sa mga sinasabi ng nasa tv – na super ganda talaga ng tandem nila Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Pati na rin ng mga kaofficemates ko na kilig na kilig.

Pero medyo frustrated ako kasi hindi ako masyadong nagandahan talaga sa movie kagaya ng sinasabi ng iba. Ok lang siya, medyo nakakatawa, cute sila John Lloyd at Sarah at pang teenager talaga. Siguro kung nasa movie house ko ito napanood, naghihiyawan na ang mga teenagers sa pagiging kilig kay John Lloyd.

Kahit ganun paman, panonoorin ko parin ang sequel nitong – You Changed My Life. I hope magandahan na ako.

Tags: , , ,

Leave a Reply